May 21, 2026

Home BALITA National

'Isa sa mga pinaka-loyal kay Tatay Digong!' Kitty, 'second papa' si Ninong Bong Go niya

'Isa sa mga pinaka-loyal kay Tatay Digong!' Kitty, 'second papa' si Ninong Bong Go niya
Photo courtesy: Bong Go (FB)

Nagpaabot ng pasasalamat si Veronica "Kitty" Duterte sa ninong niyang si Sen. Bong Go matapos siyang dalawin nito sa ospital, at batiin para sa pagdiriwang ng ika-22 taong kaarawan noong Biyernes, Abril 10.

Sa kaniyang Facebook post noong Biyernes ng gabi, hiniling ng senador ang agarang paggaling ni Kitty, na kasalukuyang naka-confine sa ospital.

Ibinahagi niya ang mga larawan nila ng inaanak habang nakahiga ang huli sa hospital bed at nakasuwero.

“Maligayang kaarawan, Kitty! Magpagaling ka kaagad. Nawa’y pagkalooban ka ng mahabang buhay, mabuting kalusugan, at kaligayahan,” ani Go.

Inilarawan din niya ang kaniyang inaanak bilang isang matatag na babae na may pusong kahawig ng kaniyang ama. “Isa kang matatag na babae, may pusong katulad ng sa papa mo,” dagdag pa niya.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Nagpasalamat din ang senador kay Vic Singson, boyfriend ni Kitty, at sa iba pang malalapit na kaibigan na nagpakita ng suporta at bumisita kay Kitty habang siya ay nagpapagaling.

“Salamat din BM Vic Singson sa pag-alaga, at sa lahat ng mga kaibigan na bumisita,” ani Go.

Ayon pa sa senador, ito na ang ikalawang kaarawan ni Kitty na wala ang kaniyang ama, dahil sa pagkakadetine ng huli sa International Criminal Court (ICC) sa kinahaharap na kasong crimes against humanity, dahil sa umano'y madugong war on drugs noong kaniyang administrasyon.

Personal ding dumalaw si Go sa ospital upang kumustahin ang kalagayan ni Kitty at maghatid ng suporta. Hinikayat niya ang kaniyang inaanak na manatiling matatag sa kabila ng pinagdaraanan at ipinahayag ang kaniyang panalangin para sa mas mahabang buhay at patuloy na kalakasan nito.

“Happy birthday and get well soon, my inaanak Kitty!” pagtatapos ng mensahe ng senador.

Maki-Balita: Kitty Duterte, nag-birthday sa ospital; sey ni Ninong Bong Go, 'Pakatatag!'

Samantala, personal namang nagpasalamat si Kitty sa kaniyang Ninong Bong sa pamamagitan ng video message, na inilarawan niya bilang "second papa" sa kaniya.

"Hello everyone, kasama po natin si Senator Ninong Bong Go ngayon, isa sa mga pinaka-loyal na tao sa Papa ko," saad ni Kitty.

"Mahal na mahal niya kaming lahat, at mahal na mahal niya si Tatay Digong. Nandito siya ngayon sa birthday ko, na may sakit ako at na-admit ako sa ospital, binisita niya ako at pinadalhan ng fruit basket at magagandang regalo."

"So, thank you Ninong Bong, maraming salamat for everything that you do, thank you for being like a second papa to me, and thank you for your loyalty," saad pa ng bunsong anak ni FPRRD.

Si Kitty Duterte ay isinilang noong Abril 10, 2004. Siya ay 22-anyos na.