Ang academic achievement ng isang anak ay hindi maitatangging nagdudulot ng kakaibang kaligayahan sa puso ng mga magulang.
Bawat mataas na marka, parangal, at pagkilala ay tila bunga ng kanilang sakripisyo, pagod, at walang sawang suporta. Hindi lamang ito simpleng tagumpay ng bata, kundi patunay na ang kanilang paggabay at pagmamahal ay nagbunga ng maganda.
Sa tuwing nakikita nilang nagsisikap at umaangat ang kanilang anak sa pag-aaral, napapalitan ang lahat ng hirap ng tuwa at pagmamalaki, sapagkat nakikita nila ang magandang kinabukasang unti-unting nabubuo para rito.
Kaya naman, ganoon na lamang ang kasiyahan at pagiging proud ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa anak niyang Grade 12 student mula sa Agusan National High School sa Butuan City, Agusan Del Norte matapos isiyang magtapos na may pinakamataas na karangalan at makamit ang kabuuang 45 parangal sa ginanap na Recognition Day.
Nakamit ni Ethan Rene Magnaye ang kahanga-hangang General Weighted Average (GWA) na 98%, isa sa mga pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng kaniyang paaralan.
Ayon sa mga opisyal ng paaralan, patunay ito ng kaniyang tuloy-tuloy na dedikasyon at kahusayan sa pag-aaral sa loob ng maraming taon.
Mula pa noong Grade 7, kinatawan na ni Magnaye ang kaniyang paaralan sa iba’t ibang kompetisyon sa antas ng dibisyon, rehiyon, pambansa, at maging internasyonal. Namayagpag siya sa mga larangan ng English, Mathematics, at Science.
Kabilang sa kaniyang mga natamong parangal ang Gold Award sa Philippine International Mathematical Olympiad Final Round at Diamond Award sa International Science Olympiad Competition of Southeast Asia (ISOCSEA) National Round 2025, bukod pa sa iba pang pagkilala mula sa mga internasyonal na patimpalak sa Timog-Silangang Asya.
Bukod sa kaniyang kahusayan sa Matematika at Agham, isa ring pinarangalang campus journalist si Ethan, na nagkamit naman ng mga parangal sa sports writing sa antas ng dibisyon at rehiyon.
Sa kabila ng kaniyang mga natamong tagumpay, nanatiling mapagkumbaba ang honor student at iginiit na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa dami ng parangal kundi sa layunin at pagpupunyagi.
Ibinahagi ni Ethan na siya ay lubos na nagpapasalamat sa landas na kaniyang tinahak, at aniya, ang lahat ng karangalan ay iniaalay niya sa Diyos.
Dagdag pa niya, ang academic journey niya ay hindi lamang tungkol sa mga medalya, kundi sa lakas ng loob at sakripisyong nagbigay-daan upang makamit ang mga ito.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa kaniyang mga magulang na naging sandigan niya sa bawat hakbang. Kinilala niya ang kaniyang ama bilang matibay na pundasyon ng kaniyang tagumpay, habang pinuri naman niya ang katapangan ng kaniyang ina na isang overseas nurse na nagsakripisyo at humarap sa panganib sa ibang bansa upang masaksihan ang kanyang pagtatapos.
"Despite the dangers and instability caused by the US-Iran war affecting the country where she worked, she navigated a global crisis and risked it all just to see me walk across the stage and graduate. Mommy, your bravery taught me how to be fearless, and Daddy, your constant presence gave me the strength to persevere. These awards belong to both of you," saad ni Ethan sa kaniyang post.
Ayon pa kay Ethan, ang lahat ng kaniyang natamong parangal ay alay niya sa Diyos at kaniyang mga magulang.
"As I stand here today, I am filled with overwhelming gratitude for the path that led me to this moment. All the honor and glory belong to the Most High!" saad niya sa kaniyang Facebook post.
Proud na proud naman ang mga magulang niya sa kaniya, lalo na ang inang overseas nurse na si Marjorie Magnaye, sa anak na academic achiever.
"Congratulations to our amazing son Ethan Rene Magnaye on finishing top of your class! With Highest Honors."
"With National and International Awards. With Service Awards. I am beyond proud of your academic excellence!
"These achievement makes my heart smile and fills me with so much pride," saad ni Marjorie.
"Through the noise of war and the silence of the desert, through the flight cancellations/ suspensions, and through everyday novena prayers, the thought of you walking across this stage was my beacon of hope. I promised myself I would be here with you on stage!"
"Seeing you today makes every sleepless night and scary moment worth it! I am so proud of you Ethan! Thank you for making Mommy so proud! I am a proud Mom! I Love you so dearly!" aniya pa.
Nasa 41 karangalan ang natanggap ni Ethan sa Recognition Day, at sa Graduation Ceremony naman noong Marso 28, nadagdagan pa ito ng lima, kaya suma-total, ay nasa 45 lahat.
"Watching you walk across that stage with me fills my heart with pride," saad ni Marjorie sa kaniyang Facebook post, patungkol naman sa graduation ceremony ni Ethan.
"With a diploma on hand, your future looks incredibly bright. Chase your dreams with confidence, stay focused and you can achieve anything. We are all here to support and guide you."
"Thank you for making me the proudest mother today! Love you so dearly!" aniya pa.
MOMMY MARJORIE, PROUD NA PROUD SA ANAK
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Marjorie, inilarawan niya si Ethan bilang isang anak na hindi lamang basta smart, kundi palakaibigan, responsable, at well-disciplined. Kahit na palaaral ang anak, naglalaan pa rin siya ng oras para sa paglalaro.
"Ethan is smart, friendly and well disciplined especially during his studies. He balanced school and plays productively. He doesn't have sleepless nights when studying, he is taking his time to prepare. However, during weekends, he always plays with his gadgets as an outlet," aniya.
Dagdag pa ni Marjorie, "The rewards and achievements he received now are all his choices. He loves friendly competition. Whenever there is competition, we as parents are just shocked that he signed up for it. Hence, we just support him emotionally, spiritually and financially."
Ibinahagi rin ng proud mom ang naging parenting style niya kay Ethan kaya lumaking matalino at responsable sa buhay.
"Ethan was enrolled in a private tutorial center as early as 4 years old to master English and Mathematics. Together with that, he also learned how to stay focused and stay disciplined during study activities. Which we believe as parents was also one of the keys to how he became what he is now. After the tutorial class, we thank his school for nurturing him all the way up until now."
"Another key element we instill is proper nutrition of course, he drinks milk everyday."
Worth it daw ang mga paghihirap, pagsisikap, at pagsasakripisyo niya bilang isang OFW dahil sa kaniyang mga anak, na achiever sa kanilang mga acads.
"As an OFW Parent, every hard work is worth it. My overtime, the moment not seeing my children grow up is really worth it. Even though I'm away, I make sure that for all milestones, I will need to go home and show support to my children. I'm happy that my children know my hardwork and show that they appreciate me by giving me good grades from school."
"My sleepless night as a parent just to call them daily is worth it. Really proud," saad pa ni Marjorie.
Kaya naman, mensahe niya sa mga kapwa magulang, "To the parents out there, show support and guidance to your kids."
"Talk to them, Listen to them, let them decide on their own. Remember that all values that instill upon them, it will eventually carry with them. Always TRUST them. With this trust, they will value it and nurture it."
Congratulations, Ethan!