Ibinahagi ng DJ at social media personality na si Jellie Aw ang ilang updates patungkol sa kanila ng dating inireklamong karelasyong si Jam Ignacio, na nakabalikan din niya at pinatawad.
Noong Abril 8, mapapanood sa Facebook post ni Jellie ang video clip ng pag-aayos nila ni Jam sa kanilang itinayong negosyo, na isang beauty lounge sa Guiguinto, Bulacan.
"After ng Sakuna eto na kami ngayon Mas pinili naming tumahimik at maging maayos ang lahat. Pass sa FakeNews Umay LOL! na stock nlang kayo don? Eto na kami ngayon sobrang Blessed AMEN!" mababasa sa post ni Jellie.
Dagdag pa niya, "maikli ang buhay para pansinin ang mga walang kwentang bagay at tao piliin nating magpatawad at maging masaya araw araw pag pinansin mo ang mga walang kwentang sinasabi ng tao hindi magiging masaya ang buhay mo ."
"Thank you lord sa lahat"
"Di ako makapaniwala na nabuo nating Dalawa to Jam Ignacio diko ma explain Pagod natin dito Pero sobrang Worth it! SALAMAT PALAGI LORD Di po kami magsasawangag Share ng Blessing sa tao," aniya pa.
Photo courtesy: Screenshot from DJ Jellie Aw/FB
Noong Disyembre 2025, usap-usapan ang naging pag-share ni Jam sa larawan ni Jellie na tila nagpapahiwatig daw ng umano'y pagbabalikan nilang dalawa bilang magkarelasyon.
Matatandaang noong Pebrero 2025, lumikha ng ingay ang "bugbugan issue" sa pagitan nilang dalawa nang ibahagi ni Jellie ang mga larawan ng sarili niyang mukha na umano’y binugbog sa loob ng sasakyan ng noo'y karelasyong si Jam, na ex-boyfriend naman ng TV host-actress na si Karla Estrada.
Pormal ding nagsampa ng reklamo laban kay Jam si Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng insidenteng iyon.
Hindi naglaon, humingi ng tawad si Jam kay Jellie at umapela para sa pagkakaayos ng relasyon nila.
Bago matapos ang 2025, nito ngang Disyembre, nagulantang ang mga netizen sa pagbabahagi ni Jam sa larawan ni Jellie.
Kaugnay na Balita: Matapos ang bugbugan: Jam Ignacio at Jellie Aw, nagkabalikan?
Samantala, sa kaniyang post naman ay nagpahiwatig si Jellie na pinatawad na niya si Jam.
Kaugnay na Balita: 'Kung si Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak N'ya lang?'—Jellie Aw
Kaugnay na Balita: Jellie Aw, napa-Britney Spears na lang: 'Hit me baby, one more time!'