May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Nakita na si Erik, dami pang opportunities! Rufa Mae na-enjoy ang YFSF

Nakita na si Erik, dami pang opportunities! Rufa Mae na-enjoy ang YFSF
Photo Courtesy: Screenshot from Eugene Domingo (YT), ASAP (FB)

Inamin ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto na na-enjoy daw niya ang pagiging kalahok sa “Your Face Sounds Familiar.”

Sa latest episode kasi ng vlog ni comedy star-TV host Eugene Domingo nitong Biyernes. Abril 10, kinumusta niya ang ganap ni Rufa sa naturang reality singing competition.

“Nag-enjoy ako doon. Ang dami kong...natutunan. Kahit papaano naka-memorize ka. Hindi man lahat pero mga kalahati naaral mo,” saad ni Rufa.

Ayon sa kaniya, marami umanong mga nagbukas na oportunidad sa kaniya dahil sa “Your Face Sounds Familiar.”

“Alam mo, bukod do’n, nakita ko sila Ogie [Alcasid] ulit, sila Erik [Santos],” natatawang sabi ng komedyante.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Ibig sabihin,” pagpapatuloy niya, “maraming nagbukas na door doon. Nakarating ako sa ASAP ulit. Nakita ko sila Regine [Velasquez].”

Matatandaang naghatid ng kilig ang pagkikita nina Erik at Rufa sa ASAP noong Enero matapos ang collaboration ng huli at ni Moira Dela Torre.

Noong 2006, umusbong ang romantic relationship ng dalawa, subalit bandang Mayo 2007 nang mapaulat ang kanilang paghihiwalay, na ayon sa panayam kay Erik, ay dahil sa busy schedule nilang dalawa at wala namang third party.