Sa pagnanakaw nauwi ang umano’y birthday cake na alok ng mga suspek sa isang babaeng senior citizen sa Quezon City.
Ayon sa mga ulat, dalawang babae ang nagtungo sa bahay ng lola upang ibigay umano ang birthday cake na hatid ng kanilang lokal na pamahalaan.
Ilang beses umanong pinilit ng dalawang babae ang lola hanggang sa mapapayag ito na mapapasok sila loob ng kanilang bahay dahil sa nasabing ayudang kanilang binabanggit sa biktima.
Pagkapasok ng dalawang babae, doon na raw dali-daling sumulpot ang kasama pa nilang mga lalaki at saka pumasok din sa bahay ng biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon na kaagad iginapos ng mga suspek ang lola at ang dalawa pa niyang kasamang mga apo sa loob ng kanilang tahanan. Nagbanta rin umano ang mga suspek na babarilin at papatayin sila kapag gumawa pa ng komosyon.
Sinasabing ilang oras din naghalughog ang mga suspek sa loob ng bahay ng biktima bago sila tuluyang umalis.
Natangay ng mga kawatan ang tinatayang aabot sa mahigit ₱1 milyon ang natangay mula sa mga biktima kabilang na ang ilan nilang mga gamit, cash, motorsiklo at kotse.
Samantala, matapos maiusplong sa mga atworidad, agad silang nagkasa ng imbestigasyon kung saan natukoy nila ang iba pang mga sasakyang ginamit ng suspek sa pagtakas mula sa bahay ng mga biktima.
Isang lalaki na ang kanilang naaresto na napag-alamang siyang nagmaneho ng getaway car nila. Depensa ng suspek, biktima lang daw siya ng kaniyang mga bagong kaibigan at naalok lang daw na ipagmaneho sila.
Nahaharap ang nasabing lalaki sa mga kasong robbery, carnapping at illegal possession of firearms matapos marekober sa kaniya ang baril na walang kaukulang dokomento.
Patuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa iba pang suspek.