May 21, 2026

Home BALITA Metro

‘Libreng almusal at tanghalian’ sagot na ng DSWD para sa mga tsuper!

‘Libreng almusal at tanghalian’ sagot na ng DSWD para sa mga tsuper!
Photo courtesy: DSWD (website)

Iaarangkada na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang pa-libreng almusal at tanghalian sa mga tsuper bilang tugon sa mga hinaing sa patuloy na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.

Batay sa anunsyo ng DSWD nitong Biyernes, Abril 10, inaanyayahan nila ang mga tsuper sa kanilang “Walang Gustom Kitchen” sa Nasdake Building, FB Harrison St., Brgy. 13, Pasay City, simula 6:00 AM hanggang 10:00 AM para sa libreng almusal; at simula naman 11:00 AM para sa libreng tanghalian. 

Saad pa ng DSWD, bukas ang “Walang Gutom Kitchen” mula Lunes hanggang Linggo. 

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., layon ng inisyatibang ito na pagaanin ang gastusin at bigyang lakas ang mga tsuper sa kanilang pamamasada sa gitna ng matinding init at trapik. 

Metro

73-anyos, patay sa gitna ng paghihintay para makabili ng murang bigas