Kinumpirma ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na ang Artemis II crew ay nasa kalagitnaan na ng kanilang ekspedisyon pabalik sa daigdig.
Ayon sa ibinahaging ulat ng NASA nitong Biyernes, Abril 10 (oras sa Pilipinas), magsasagawa raw ang Artemis II ng isang “splash down” sa karagatang Pasipiko bandang 8:07 ng gabi.
“The Artemis II astronauts have hit the ‘halfway’ mark between the Moon and the Earth. They will splash down in the Pacific Ocean around 8:07 pm ET on Friday, April 10 (0007 UTC on Saturday, April 11), off the coast of San Diego,” saad ng NASA.
Matatandaang isinagawa ng Artemis II crew—na kinabibilangan ng astronauts na sina Reid Wiseman, Victor Glover, Christina Koch, at Jeremy Hansen—ang “lunar flyby mission” nito upang masaksihan ang “far side” ng Moon, upang ma-test ang Orion spacecraft systems, at magsagawa ng isang maigting na deep space navigation.
Umukit din ito sa kasaysayan sa space exploration matapos makapagtala ng 252,757 milyang distansya mula sa daigdig—na maituturing bilang pinakamalayong distansyang naabot ng tao mula sa Earth.
Nalampasan nito ang 248,655 milya ng Apollo 13 noong taong 1970.
MAKI-BALITA: Artemis II, narating higit 200k milyang layo sa Earth; kinabog Apollo 13 record noong 1970-Balita