May 21, 2026

Home BALITA National

Gloria Arroyo, itinangging planong paalisin sa pwesto si HS Bojie Dy

Gloria Arroyo, itinangging planong paalisin sa pwesto si HS Bojie Dy
Photo courtesy: Rep. Gloria Arroyo (FB), MB FILE PHOTO

Mariing pinabulaanan ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang mga alegasyong naglalayong paalisin sa puwesto si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III. 

Matapos ito ng umano’y lumutang na mga balita mula sa hindi tinukoy ni Arroyo na mga news media outlet noong Huwebes, Abril 9, na may namumuo raw na planong patalsikin sa puwesto si Dy upang mahinto ang paggulong ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara. 

Ayon sa inilabas na pahayag ni Arroyo sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Abril 10, 2026, sinabi niyang mariin niya itong pinapabulaanan. 

“I categorically deny the allegations concerning the supposed ouster of Speaker Bojie Dy that surfaced yesterday,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Rep. Gloria Arroyo (FB)

Photo courtesy: Gloria Macapagal Arroyo (FB)

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Pagpapatuloy pa ni Arroyo, kumpyansa pa rin daw siya sa pamumuno ni Dy sa House of the Representatives at sumusuporta na siya rito noon pa man sa panahon ng pumanaw na ama ng huli na dati ring mambabatas na si Faustino Dy Sr.

“I reaffirm my confidence in his leadership of the House of Representatives. Our mutual support, which began many years ago with his late father, remains unbroken,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag ang kasalukuyang House Speaker patungkol dito. 

MAKI-BALITA: 18 ex-Marines, may koneksyon kay Arroyo!—Ronald Llamas