Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Surigao del Sur nitong Huwebes ng gabi, Abril 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol sa Cagwait, Surigao del Sur kaninang 6:45 p.m. na may lalim na 10 kilometro.
Gayunpaman, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.