May 22, 2026

Home BALITA National

Palasyo, handang magkaso sa pupuntirya kay PBBM, First Family!

Palasyo, handang magkaso sa pupuntirya kay PBBM, First Family!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tiniyak ni Acting Presidential Communications Office Chief Dave Gomez sa publiko na handa umano silang magsampa ng kaso laban sa mga magpapakalat ng fake news sa First Family o sa pamilya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Matapos ito sa naging paghahain ng kaso ni Gomez sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) nitong Martes, Abril 7, 2026, laban sa mga nasa likod ng isang Facebook page na “Malasakit News Pilipinas.” 

Dahil umano ito sa pagkakalat ng nasabing Facebook page ng pekeng impormasyon kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng enerhiya ng bansa. 

Ayon naman sa naging panayam ng media kay Gomez, kinumpirma niyang wala umanong palalampasin ang Palasyo kung mapapatuyan nilang may nagpapakalat ng pekeng impormasyong laban sa First Family. 

“Will you do the same against the individuals spreading fake news against the first family?” tanong ng media kay Gomez. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Sagot niya, “Yes, no one will be spared.” 

Ani Gomez, handa raw silang maghain ng kaso sa mga mapatutunayang magpapakalat ng maling impormasyon sa First Family kagaya ng naging paghahain nila ng kaso sa Facebook page ng Malasakit News Pilipinas. 

“Basta mapatuyanan nating fake news, we will file charges against them,” diin niya.  

“No one will be spared,” pag-uulit at pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag ang DOJ kaugnay sa kasunod nilang hakbang sa nasabing Facebook page na sinampahan ng kaso ng Palasyo.