May 22, 2026

Home BALITA Metro

Araw-araw na tulong sa mga tsuper na bahagi ng ‘libreng pamasahe program,’ itataas sa ₱4,000 – Manila LGU

Araw-araw na tulong sa mga tsuper na bahagi ng ‘libreng pamasahe program,’ itataas sa ₱4,000 – Manila LGU
Photo courtesy: Manila Public Information Office via MB

Itataas na sa ₱4,000 ang pang araw-araw na tulong sa mga tsuper bilang parte ng “Libreng Pamasahe Program” ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Batay sa anunsyo ng Manila Public Information Office nitong Martes, Abril 7, mula ₱3,500, ang karagdagang ₱500 ay ipinagkaloob ng Manila local government unit (LGU) bilang tulong sa patuloy na pagtataas ng gastos sa krudo. 

Saad pa sa anunsyo, ang pagtataas ay kasunod din ng ₱18 pesos na pagtataas sa presyo ng diesel nito ring Abril 7. 

Layon ng inisyatibang ito na maibsan ang pasaning kinakaharap ng mga tsuper at operator na kasalukuyang nagbibigay ng libreng sakay sa mga commuter sa Maynila, upang kahit papaano’y mabawasan ang kanilang gastusin sa pagbiyahe. 

“Ayaw ko naman masayang ang pagmamalasakit ng mga driver natin na nakikiisa sa programa ng Lungsod ng Maynila. May mga pamilya silang binubuhay. Bagama’t taos-puso ang aking pasasalamat sa kanila, inuunawa ko rin ang kanilang ikinabubuhay,” saad ni Manila City mayor Isko Moreno Domagoso. 

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

Matatandaang unang inanunsyo ng Manila LGU noong Marso 29 ang tulong na tig-₱1,000 na kita sa mga drayber at operator  ng Public Utility Jeepney (PUJ) sa isang araw na biyahe nila bilang parte rin ng programang libreng sakay.

MAKI-BALITA: PUJ drivers sa libreng sakay ng Manila LGU, kikita ng ₱1k kada araw

Ang programang ito ay umarangkada ng limang araw simula noong Lunes, Marso 30, hanggang sa darating na Miyerkules, Abril 8, kung saan ipinaalala ng Manila LGU na ang mga jeep na may pa-libreng sakay ay may karatulang, ““This PUJ is provided for by the City of Manila – LIBRENG SAKAY.”

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ruta ng PUJs na may libreng sakay sa lungsod ng Maynila