Sabi ng nakakarami, at base na rin sa isang tanyag na kasabihan, “Health is wealth.”
Ayon sa kanila, ang tunay raw na kayamanan sa mundo ay ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan. Ngunit sa modernong panahon, maraming salik na ang nakakaapekto upang maimpluwensyahan ang kalusugan ng isang tao—mula sa paggamit ng mga makinarya, teknolohiya, babad sa social media, at marami pang iba.
Ngayong Martes, Abril 7 ay ginugunita ang “World Health Day,” bilang pagkilala sa kahalagahan ng kalusugan at pagkakaroon ng sapat na kaalaman patungkol dito.
Ngayong taon, ang paggunita sa nasabing kaganapan ay may temang “Together for health. Stand with science."
Paano nga ba pinapanatili ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan?
Isa na marahil sa pinakatanyag na paraan upang masiguro ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan ay ang pag-eehersisyo.
“Exercise is defined as any movement that makes your muscles work and requires your body to burn calories. Being active has been shown to have many health benefits, both physically and mentally. It may even help you live longer,” saad sa isang artikulo ng Healthline.
Ilan lamang sa mga iba’t ibang uri ng ehersisyo ay ang mga sumusunod: running, swimming, squat, cycling—at siyempre ang isa sa pinakilalang exercise, ang pagte-treadmill.
Ano nga ba ang “treadmill?”
Ayon sa isang artikulo ng YourWorkoutBook, ang treadmill ay isang uri ng cardio machine.
“Treadmills are one of the most popular cardio machines for weight loss—and with good reason! In fact, it’s safe to say that the treadmill delivers one of the most effective, functional workouts of any machine,” mababasa sa artikulo.
Mga benepisyo ng pagte-treadmill
Batay sa parehong source, maraming benepisyo sa kalusugan ang paggamit ng treadmill.
1. Functional Training
Kung ang pag-uusapan daw ay ang “functional training,” wala raw makakatalo sa paggamit ng treadmill.
Anang source, wala raw kasing cardio machine ang makakapantay sa kakayahan ng treadmill na pagalawin ang katawan ng isang tao sa “normal range of motion” nito.
2. Train anytime
Maganda raw ang paggamit ng treadmill dahil wala itong pinipiling panahon at oras. Mapamalamig, mainit, umuulan, maaari mo itong magawa sapagkat kahit sa loob ng bahay ay kaya itong gawin.
3. Amazing cardiovascular conditioning
Lubha raw na epektibo ang pagte-treadmill upang magkaroon ng mahusay na lagay ng cardiovascular system ang isang tao.
“No other exercise works your cardiovascular system quite as effectively as running or jogging. Your heart works harder to pump blood to all your hard-working muscles, your lungs absorb oxygen (at a rate that is sustainable for the long-term), and your blood vessels dilate to allow that oxygenated blood to get where it needs to go,” mababasa sa artikulo.
4. Tracked and controlled training
Malayang makapipili ang isang tao ng paraan kung paano siya makakapag-ehersisyo gamit ang treadmill.
Anang source, may built-in features ang nasabing machine upang makapili ang isang indibidwal ng nais nitong bilis at kilos sa pag-eehersisyo.
5. Literal na maraming health benefits
Ilan lamang sa health benefits na maaaring idulot ng treadmill ay weight loss, reduced risk ng diabetes, reduced risk ng heart disease, mas mahusay na mental at emotional health, at marami pang iba.
Pinabubuti rin ng treadmill ang muscles at joints ng isang tao, para sa mas mahusay nitong physical capacity and capability.
Mga “interesting” na kuwento ng treadmill
Sa isang ulat na ibinahagi ni Mark Rey Montejo ng Manila Bulletin noong Lunes, Abril 6, isang avid runner ang lumikha ng sarili niyang treadmill na gawa lamang sa kahoy.
Base sa ulat, umabot lamang sa ₱8,000 ang nagastos ng runner na si John Leardo Malojo.
BASAHIN ANG ULAT: Manila Bulletin - Avid runner makes wooden treadmill for only P8,000
Sa isa namang ulat ng Balita, isang lalaki ang nag-treadmill sa loob ng 24 oras—katumbas ng isang buong araw.
Kinilala ang lalaki bilang si Pepe Fiamoncini.
Base sa kalkulasyon, tila aabot sa humigit-kumulang 188 kilometro ang tinakbo ni Pepe gamit lamang ang isang treadmill.
MAKI-BALITA: Lalaki, nag-treadmill sa loob ng 24 oras-Balita