May 22, 2026

Home BALITA National

Rep. Kiko Barzaga, suportado parusang kamatayan sa mga korap na congressman!

Rep. Kiko Barzaga, suportado parusang kamatayan sa mga korap na congressman!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Sinusuportahan ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang hatol na parusang kamatayan sa mga kapuwa mambabatas na mapapatunayang tiwali. 

Ayon sa naging pahayag ni Barzaga sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Abril 5, 2026, sinabi niyang suportado niya ang nasabing pagpapataw na parusa sa mga korap na mambabatas dahil sila umano ang ugat kung bakit mataas ang presyo ng bigas at gasolina sa bansa. 

“I support the Death Penalty for Corrupt Congressmen,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Rep. Kiko Barzaga (FB)

Screenshot sa FB post ni Barzaga. 

Dagdag pa niya, “[A]ng taas ng presyo ng bigas at gasolina dahil sa kanila, nakakamatay na!” 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Kaugnay nito, matatandaang nauna na ring imungkahi sa publiko ni Barzaga noong Hulyo 25, 2025, ang tungkol sa pagpaparusa raw sa mga paulit-ulit na lumalabag sa batas kahit sa maliliit na bagay katulad na lamang ng pagkakalat ng basura.

Nanindigan noon si Barzaga na karapat-dapat lang daw na ipasok sa kaniyang mungkahi ang paulit-ulit na pagkakalat dahil daw sa malaking epekto nito sa kalikasan.

KAUGNAY NA BALITA: 'Congressmeow' ng Cavite, iminungkahi 'death penalty' para sa mga nagkakalat ng basura

Bukod pa rito, isinulong din ni Barzaga noong Agosto 8, 2025, ang pagpaparusa ng kamatayan para sa mga mass murderers at rapist dahil tila pag-aaksaya pa raw sa pondo ng gobyerno na buhayin pa ang mga taong gumawa ng karumal-dumal na mga krimen.

"Mass murderers and child rapists deserve the death penalty. Why waste government resources keeping alive in prison for decades when there's a simpler way to deal with them?" saad niya noon. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Congressmeow' nais na din isulong death penalty sa mass murderers, rapists

Ito na ang maituturing na ikaapat na pagkakataon na nagrekomenda si Barzaga sa muling pagpapatupad ng death penalty matapos niyang igiit na dapat umanong mapatawan parusang kamatayan ang mga taong nagkakalat ng basura, animal abusers, mass murderers, at rapist. 

Samantala, mahigpit namang ipinagbabawal alinsunod sa Republic Act No. 9346 na ipatupad ang death penalty sa bansa. 

“The imposition of the penalty of death is hereby prohibited,” nakasaad sa Section 1 ng naturang batas. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Congressmeow,’ nais iimplementa ‘firing squad’ para sa animal cruelty

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Barzaga, bumuwelta sa pagtutuloy ng impeachment vs VP Sara sa gitna ng oil crisis!