May 22, 2026

Home BALITA National

Rep. Barzaga, bumuwelta sa pagtutuloy ng impeachment vs VP Sara sa gitna ng oil crisis!

Rep. Barzaga, bumuwelta sa pagtutuloy ng impeachment vs VP Sara sa gitna ng oil crisis!
Photo courtesy: Rep. Kiko Barzaga (FB), File Photo

Pinatutsadahan ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang tungkol sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng impeachment complaints ng House Committee on Justice laban kay Vice President Sara Duterte sa kabila umano ng krisis sa langis. 

Ayon sa naging kamakailang pahayag ni Barzaga sa kaniyang Facebook post, nagawa pa muna niyang ibida ang naging aksyon umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa panahon ng pagsisimula ng pagkalat ng Coronavirus disease (COVID-19) noong 2019 sa Pilipinas. 

“Noong COVID-19, isang linggo [pa lang] may plano na si Duterte,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Rep. Kiko Barzaga (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Barzaga. 

Pagkukumpara niya, mahigit isang buwan na umano ang nakalipas nang magsimula ang oil crisis ngunit impeachment proceedings daw laban kay VP Sara ang tinututukan pa rin ng pamahalaan. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Ngayong Oil Crisis, isang buwan na, nakatutok parin sila sa impeachment,” pagtatapos pa niya. 

Samantala sa bukod na Facebook post ni Barzaga, sinabi pa niyang magkakaroon din umano ng krisis sa pagkain ang bansa ngunit impeachment proceeding pa rin daw tinatrabaho ng mga kapuwa niya mambabatas. 

“Bukod sa Oil Crisis, magkakaroon rin tayo ng Food Crisis, pero puro impeachment parin sila,” aniya.

“[G]aling talaga!” pagtatapos pa niya. 

Tila nagawa namang katigan ng netizens ang naturang pahayag ng nasabing mambabatas. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa mga naging post ni Barzaga:

“Only n d Philippines” 

“Focus sa impeachment. Hanggang 2028 yan n lang gagawin nila.” 

“omsim boss cong okik” 

“Gawin nila lahat pra mabura daw Ang Duterte ksi tinik sa lala.una nila lahat bbm dilawan at pinklawan . . Kya Congressman Kiko Barzaga laban din Po sma sama Po Tayo sa pag balik ng danagal ng ating bayan” 

“Ni hindi nga naramdaman yung krisis s langis nung kay fprrd eto ngayon anlala ee” 

“Hype yan mga yan puro impeachment inaatupag ayaw unahin crissis naten sa langis na pataas ng pataas kala ba nila pag lalo tumaas yan my bbyahe pa ba ng pang publikong bus mga utak nasa talampakan” 

“Only in the Philippines government, Malacañang” 

“Natatakot na kce Sila pag si vp SARA na ang nakaupo Kya minamadali nilang maimpeach” 

Kaugnay nito, nakatakdang muling magsagawa ng pagdinig ang House Committee on Justice tungkol sa impeachment complaints na kinakaharap ni VP Sara sa darating na Abril 14, Abril 22, at Abril 29, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Kampo ni VP Sara, idiniing Senado lang dapat magsagawa ng impeachment trial!

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, umaasang ibabasura ng Kamara impeachment case laban sa kaniya!