May 22, 2026

Home BALITA Metro

Bahay na nag-iimbak ng halos 10,000 litro ng diesel, buminggo sa DOE!

Bahay na nag-iimbak ng halos 10,000 litro ng diesel, buminggo sa DOE!
Photo courtesy: Contributed photo

Usap-usapan ang isang bahay sa Quezon City matapos itong magpasalin sa isang oil tanker ng tinatayang 10,000 ng diesel sa loob mismo ng kanilang bakuran noong Sabado ng gabi, Abril 4, 2026.

Ayon sa mga ulat, kumalat ang video ng isang oil tanker na nakaparada sa harapan ng isang bahay habang isinasalin nito ang kargang diesel sa imbakan ng naturang bahay.

Kaagad na nagtungo ang ilang opisyal ng Department of Energy (DOE) sa tinukoy na bahay kung saan pinaniniwalaang nakaimbak pa rin ang 10,000 ng diesel subalit walang humarap sa kanila mula sa sinumang nakatira dito.

Ayon sa DOE, mahigpit nilang ipinagbabawal ang pag-iimbak ng anumang produktong petrolyo, higit lalo na sa mga residential area kung saan lubha umano itong mapanganib.

Napag-alaman ding walang kakukulang permit ang pagpapa-deliver ng diesel sa nasabing bahay at wala rin umanong natanggap ang barangay na humihingi sa kanila ng permit para makapag-imbak ng diesel sa residential area.

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

Samantala, nagsagawa ng signature campaign ang ilang residenteng kapitbahay ng nasabing tahanan, upang ipetisyon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City ang agarang pagpapatanggal ng mga nakaimbak na libo-libong litro ng diesel.

Ayon sa mga residente, pinangangambahan umano nilang magdulot ito ng sunog sa kanilang lugar at iba pang bantang maaari daw nitong idulot sa kanilang lugar.

Sinasabing isusumite nila sa tanggapan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanilang petitsyon sa Martes, Abril 7, 2026.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng DOE upang matukoy kung saang oil company nagmula ang oil tanker na nag-deliver ng diesel sa nasabing bahay.