Grateful ang Kapuso actor na si Yasser Marta sa karanasang gampanan si Hesukristo sa isinagawang Senakulo sa Angeles, Pampanga nitong nagdaang Semana Santa.
Ibinahagi ni Yasser sa kaniyang social media posts ang ilang mga kuhang larawan habang gumaganap siyang si Hesus, na aniya, pangarap niya noong bata pa lamang siya.
"Honored to tell His story. Maraming salamat po," saad ni Yasser sa kaniyang caption.
Proud na proud naman sa kaniyang ang kasintahang si Robb Guinto.
"Galing galing mo mahal! Proud of you," ani Robb.
"I love you so much mahal!" saad naman ni Yasser.
Photo courtesy: Screenshot from Yasser Marta/FB
Sa panayam ng PEP kay Yasser, sinabi niyang wala namang nag-react sa mga kalahi niyang Muslim sa pagganap niya bilang Jesus Christ.
Si Yasser ay isang Muslim, bukod pa sa may dugong Tausug din siya at Portuguese.
Ginawa lamang daw niya ang trabaho niya, at ipinagmamalaki niyang naging Kristo siya sa kaniyang career.
“I’m just doing my job. Mahal ko yung ginagawa ko. Yung pagiging Kristo ay ibibigay ko rin yung buong puso ko doon," pahayag ni Yasser sa panayam.