May 15, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ano ang nauusong laro na ‘Pickleball?’

ALAMIN: Ano ang nauusong laro na ‘Pickleball?’
Photo courtesy: Unsplash

Tila kasabay ng marathon era ng marami, biglang kumalat sa social media ang “fitspiration” posts ng Millennials at Gen Zs sa court na may hawak na paddle at bola. 

Ang kinahuhumalingang laro na ito ay tinatawag na “Pickleball,” na isang sport o game na maaaring laruin indoors o outdoors, mapa-singles man o may kapares. 

Dahil ito ay itinuturing na mash-up ng iba pang sports tulad ng tennis, badminton, at tennis, ang mga manlalaro nito’y gumagamit ng paddles na panghampas sa isang plastik na bolang tinatawag na “wiffle ball.”

Bakit nga ba ito usong-uso sa Pilipinas? 

Ayon sa Global Pickleball Federation (PFF), ang kauna-unahang pag-usbong ng pickleball sa bansa ay mababalikan noong 2016, ngunit naudlot dahil sa lockdowns dulot ng Covid-19 pandemic noong kalagitnaan ng 2019. 

Human-Interest

Paano nakatutulong ang fur babies sa kalusugan ng kanilang fur parent?

Dahil sa mga paghihigpit sa paglabas upang maiwasan ang mas pagkalat ng virus, marami sa mga kasalukuyang masugid na manlalaro ay natuto ng picklebill sa loob ng kanilang mga bahay upang mapanatiling active at malusog ang kanilang pangangatawan. 

Kaya sa unti-unting pagbubukas ng mga establisyimento noong 2021, mas naging mabilis ang pag-usbong ng pickleball clubs sa iba’t ibang parte ng bansa. 

Bukod pa sa mga aspeto at pangyayaring ito, ang pickleball ay maituturing din na “low cost” at “easy to learn” sport dahil kaya itong matutunan ng mga nais maglaro simula edad 5 hanggang 70 pataas. 

Ano ang health benefits ng paglalaro ng pickleball? 

Ayon sa mga medikal na pag-aaral, bukod sa pagiging laro at sport, ang pickleball ay isa ring mainam na ehersisyo para sa puso, muscles, at balance and coordination ng katawan. 

Ito ay nagsisilbing aerobic exercise na nakatutulobng sa pagpapataas ng heart rate at pagpapabuti ng endurance. 

Dahil sa kinakailangang mabibilis na paggalaw, ito rin ay isang interval training na nakapagpapatatag ng lakas at stamina. 

Bukod din sa pagpapalakas ng pangangatawan, ang pickleball ay nakatutulong din upang magkaroon ng maayos na kalidad ng tulog ang isang manlalaro, mababang panganib ng depression at anxiety, at mas pinabuting kakayahan sa pagtanda ng mga detalye, pagproseso ng impormasyon, at pag-iisip. 

Panghuli, dahil ito ay isang ring laro na puwedeng laruin ng may kapares o team, ang pickleball ay nakatutulong upang mapalawak ang “social circle,” makakilala ng iba pang tao, at makabuo ng mga bagong relasyon.