April 23, 2026

Home BALITA

'Forced marriage' sa mga rape case, ekis na sa Bangsamoro!

'Forced marriage' sa mga rape case, ekis na sa Bangsamoro!

Naglabas ng fatwa ang Bangsamoro Darul Ifta (BDI) na nagbabawal sa sapilitang pagpapakasal ng isang biktima ng panggagahasa sa kaniyang rapist, alinsunod sa Fatwa No. 5, Series of 2026.

Nilinaw ng BDI na hindi maaaring gamitin ang kasal bilang remedyo sa mga kaso ng rape, at binigyang-diin na ang pahintulot o consent ay pangunahing requirement para maging balido ang kasal sa ilalim ng batas Shari’ah.

Ayon sa fatwa, “It is not permissible in Islamic Shari’ah to compel a woman to marry the man who assaulted and raped her.”

Tinanggihan din ng BDI ang paniniwalang maaaring maresolba ang krimen sa pamamagitan ng pagpapakasal, dahil lalo lamang nitong pinapalala ang kalagayan ng biktima sa pamamagitan ng pagbigkis sa kanya sa taong gumawa ng karahasan.

Dagdag pa ng fatwa, “Rape has established rulings in Islamic Shari’ah that vary according to the nature of the act and how it occurred. […] It is one of the most heinous and dangerous crimes. Islamic Shari’ah came to protect honor, safeguard sanctity, and impose strict punishment on anyone who violates it in any form.”

Probinsya

Lalaking lulong umano sa 'scatter,' nang holdap gamit baril-barilan!

Binigyang-diin din na walang kasalanan o pananagutan ang biktima at nararapat lamang siyang protektahan, suportahan, at tratuhin nang may malasakit.

Ayon pa sa BDI, maaaring obligahin ang salarin na magbigay ng pinansyal na kabayaran sa biktima bilang pagkilala sa pinsalang dulot ng krimen, ngunit hindi ito nangangahulugan ng obligasyon para sa biktima na pakasalan ang nasabing tao.

Nilinaw ring maaari lamang payagan ang kasal sa mga pambihirang pagkakataon, kung naisakatuparan na ang hustisya at may ganap na pahintulot ang babae, at hindi maaaring pilitin ng sinuman, kabilang ang kaniyang pamilya o tagapag-alaga.

Hinimok naman ang mga biktima ng karahasang batay sa kasarian na magsumbong at humingi ng tulong sa mga kinauukulang ahensya, kabilang ang mga Violence Against Women and Children (VAWC) desks sa barangay, Women and Children Protection Desks ng Philippine National Police, at mga lokal na tanggapan ng social welfare.

Nag-aalok ang mga institusyong ito ng serbisyong legal, psychosocial support, at iba pang proteksyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga biktima at matulungan silang makamit ang hustisya.