May 10, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Bakit masamang magkasugat tuwing Biyernes Santo?

ALAMIN: Bakit masamang magkasugat tuwing Biyernes Santo?
Photo courtesy: Unsplash


Ngayong Semana Santa, nagiging maugong na naman ang mga usapin kaugnay sa mga paniniwala, tradisyon, at pamahiin sa panahong ito.

Sabi ng iba, iwasan daw ang pag-iingay sa gitna ng Holy Week—iwasan ang masyadong pagsasaya at pagliligalig.

Sa iba naman, may paniniwala hinggil sa pag-iwas ng pagkain ng karne, dahil parte daw ito ng tradisyon ng pag-aayuno tuwing Semana Santa.

Maliban sa mga payak at prominenteng paniniwalang ito, isa ring pamahiin ang namumutawi sa bawat isa tuwing Mahal na Araw—at ‘yon ay ang iwasang masugatan sa pagpatak ng Biyernes Santo.

Bakit nga ba nasasaad sa paniniwala na hindi dapat masugatan ang isang tao sa araw ng Biyernes Santo?

Mga Pagdiriwang

Gamutang Ina: Mga kilalang ‘homemade remedies’ ng mga nanay sa sakit



Ayon sa ilang mga artikulo, may kinalaman daw ito sa sakripisyo ni Hesus upang pagbayaran ang kasalanan ng sanlibutan.

Base sa isang artikulo ng Smart Parenting, ang paniniwalang ito ay isang tanda ng pagkilala sa pag-aalay ni Hesus ng kaniyang buhay bilang tagapagligtas ng sangkatauhan.

“Dahil din pinaniniwalang patay si Hesus ng Biyernes Santo, pinakaiiwasan ang magkasugat. Baka raw kasi matagalan maghilom ang sugat o hindi na gumaling pa,” mababasa sa artikulo.

“Ang paniniwalang ito ay nagpapakita ng inobasyon ng mga Pilipino sa pagkilala ng parehong katutubo at pangdaigdig na paniniwalang spiritual. Ang mga katutubo at lokal na komunidad ay may paniniwalang ang kahit anong sugat ay maaaring pasukin ng masasamang pwersa,” dagdag pa nito.

Ang nasabing pahayag ay sinuportahan naman ng isang artikulo mula sa pahinang “Spot PH.”

“From a cultural perspective, it shows Filipinos' innovation of accommodating both indigenous and spiritual worldviews. Indigenous and local communities believe that any wound or opening in the body could be an entry point of evil forces,” mababasa sa ulat.

Sa hiwalay namang artikulo mula sa pahinang “Mga Pamahiin sa Pilipinas,” binigyang-linaw naman nila ang pagkakaroon ng sugat ng mga taong nagpepenitensya tuwing Semana Santa.

“Ngunit, kahit na ganito ang sinasabi ng mga matatanda mayroon pa ring mga tao na nagpepenetensiya. Mayroong naghahampas ng buntot pagi sa kanilang likuran at mayroon namang nagpapapako sa krus. Bakit ganoon? Ang sagot, iyon ang paraan ng ilan nating mga kababayan ng pagsasakripisyo o kaya naman naniniwala sila na sa pamamagitan noon, mababawasan ang kanilang mga kasalanan,” dagdag pa nito.

Ano mang paniniwala ang nakapaloob hinggil sa paparating na Mahal na Araw, tila wala namang kabawasan kung ito ay susubukan.

Ngunit pakatandaan na ang pinakamahalagang bagay ay ang pagrespeto sa iba, sa kanilang paniniwala, at alamin ang tunay na diwa ng Semana Santa.