Pinabulaanan ng Manila Electric Company (Meralco) ang kumakalat na ulat na tatlong buwang scheduled brownouts sa bansa.
Sa kanilang Facebook page noong Lunes, Marso 30, binanggit ng Meralco na ang posts na ito ay pawang kasinungalingan at hindi awtorisado.
Kaya pinayuhan nila ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa mga beripikado at opisyal na social media page ng Meralco, Department of Energy (DOE), at Energy Regulatory Commission (ERC).
Matatandaang inanunsyo ng Meralco noong Marso 10 ang kanilang pagpapatupad ng taas-singil na ₱0.6427 kada kilowatt hour (kWh) bunsod ng mas mataas na generation at transmission charges.
Kaya ang overall rate para sa isang bahay ay aakyat na sa ₱13.8161 per kWh kumpara sa ₱13.1734 per kWh noong buwan ng Pebrero.
MAKI-BALITA: Bukod sa krudo: Meralco, may dagdag-singil sa kuryente!
Kasabay naman ng pagtataas-singil sa kuryente ang kinahaharap na pagsipa sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa dahil sa nagpapatuloy na sigalot ng mga bansa sa Middle East.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM admin, minamadali pagbebenta ng ari-arian para makabili ng langis
KAUGNAY NA BALITA: Hindi na everything is normal? Mga dapat malaman sa deklarasyong 'national energy emergency' ni PBBM
KAUGNAY NA BALITA: ‘Wala tayong magagawa diyan!' PBBM, nagkomento sa pagtaas ng presyo ng langis