Nilinaw sa publiko ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ma. Cristina Roque na wala raw magaganap na taas-presyo sa basic necessities at prime commodities dahil may sapat pang suplay ng pagkain ang Pilipinas.
Ayon sa naging panayam ng media kay Roque sa Taguig City nitong Martes, Marso 31, 2026, sinabi niyang wala raw pagtaas ng presyo ng mga basic necessities at prime commodities hanggang Abril 16, 2026.
“No price increasing po for basic necessities and prime commodities at least for until April 16,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “The manufacturer assures [us] that we have enough supply.”
Ani Roque, may personal din umano silang kompanya ng pagkain na pinuntahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., upang siguraduhin umanong marami pang suplay ng pagkain.
“In fact, last week pumunta kami ng Presidente actually sa Century just to show everyone na marami po tayong suplay ng pagkain. So wala tayong problema,” aniya.
Pagpapatuloy pa niya, sinisigurado rin umano ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr., sa publiko ng may sapat na suplay ang bansa.
“Even the Department of Agriculture secretary also informs the public na we have a supply of food,” saad niya.
Pagtitiyak ni Roque, wala raw naganap na pagtaas ng presyo ng mga pagkain sa Metro Manila at maging sa mga probinsya, ayon na rin umano sa kontrol ng DTI..
“Yes, stable po ang prices in regards to the basic necessities and prime commodities na ‘yong listahan po ay kontrolado po ng DTI ‘yong mga prices,” ‘ika niya.
“No price increased din po for all the basic necessities and prime commodities. But it is within the list of the DTI. No price increased,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: Average supply ng langis sa bansa, aabot na lang sa 45 na araw—DOE
KAUGNAY NA BALITA: Pilipinas, may sapat nang crude oil supply hanggang Hunyo 30, 2026!—PBBM