May 17, 2026

Home BALITA

Ayudang naipamigay sa NCR-based PUV drivers, umabot na sa ₱1.28B!

Ayudang naipamigay sa NCR-based PUV drivers, umabot na sa ₱1.28B!
Photo courtesy: Department of Social Welfare and Development - DSWD/FB


Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umabot na sa ₱1.28 bilyong tulong-pinansyal na ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na pumapasada at naninirahan sa Metro Manila.

Sa datos na inilabas ng DSWD noong Lunes, Marso 30, inilahad nilang katumbas umano ito ng 256,040 drivers na nakatanggap ng DSWD cash relief assistance.

Photo courtesy: Department of Social Welfare and Development - DSWD/FB

Sa parehong anunsyo, tiniyak din ng DSWD na isusunod nang bahagian ng ayuda ang mga PUV drivers mula naman sa labas ng NCR.

“Inaasahan din ang susunod na rollout ng cash relief assistance sa iba pang rehiyon partikular na sa mga probinsya sa labas ng Metro Manila pagkatapos ng Semana Santa para mas marami pang tsuper ang maabot ng programa,” anang DSWD.

Samantala, kinumpirma rin ng DSWD kamakailan na magkakaroon ng special payout para sa mga tsuper na bigong makatanggap ng cash relief assistance—na siyang ikakasa rin pagtapos ng Mahal na Araw.

Politics

SP Cayetano, sinulatan mga senador; impeachment court magko-convene sa Mayo 18