May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Wally Bayola, sumemplang sa motorsiklo; may kaunting sugat, bukol!

Wally Bayola, sumemplang sa motorsiklo; may kaunting sugat, bukol!
Photo courtesy: TVJ, Bureau of Fire Protection (BFP) - Lupi Fire Station (FB)

Usap-usapan ang vehicular accident na kinasangkutan ng komedyante at "Eat Bulaga!" host na si Wally Bayola na nangyari sa Andaya Highway, Barangay Bel-Cruz, Lupi, Camarines Sur, noong Linggo, Marso 29, 2026.

Batay sa ulat ng PEP, kasama si Wally sa isang grupo ng motorcycle riders nang malubak daw ang sinasakyang motorsiklo sa daang patungo sa Naga City.

Makikita sa mga kumalat na larawan na nakahandusay sa sementadong kalsada si Wally habang inaasikaso ng medic team at iba pang awtoridad mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) - Lupi Fire Station.

Nag-post din ang BFP sa kaniyang Facebook page kaugnay sa nangyari kay Wally. Naglakip sila ng mga larawan subalit tinakpan nila ang mukha ng biktima. Dinala siya sa Bicol Medical Center.

Mababasa sa kanilang socmed page, "The Bureau of Fire Protection – Lupi Fire Station, under the supervision of SFO4 Luis Aureo V Cleofe, MSCrim, Officer-in-Charge, responded to a vehicular accident involving a motorcycle at Brgy. Bel Cruz, Lupi, Camarines Sur."

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Upon arrival at the scene, a 53-year-old male was found conscious, with multiple abrasions on both the upper and lower extremities sustained from a motorcycle accident. The patient was also noted to have limited mobility in his right leg, suggesting a possible injury."

"An initial assessment was conducted, and vital signs were monitored. Wound care was administered, and the affected areas were properly stabilized. The patient was carefully secured and prepared for transport."

"He was safely transported to Bicol Medical Center for further medical evaluation and management," anila.

29 March 2026 || EMERGENCY MEDICAL... - Bfp Lupi Camarines Sur | Facebook

Kinumpirma naman ng pamunuan ng EB na naaksidente nga si Wally subalit nasa mabuti na siyang kalagayan, bagama't nagtamo siya ng kaunting sugat at bukol.

Mababasa ito sa opisyal na Facebook account ng TVJ.

"Sa mga nangangamusta kay Dabarkads Wally, maayos na po ang kanyang kalagayan," anila.

"Maliban sa kaunting sugat at bukol, maayos at ligtas na po ang kanyang kalagayan. Lagi tayong mag i-ingat, Dabarkads!" pahayag pa.

Suwerte ni Wally dahil nakaligtas na naman siya sa aksidente sa motorsiklo. Noong 2013, naaksidente naman siya matapos iwasan ang isang truck.

Get well soon, Wally!