Nagbigay ng reaksiyon si dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate at Kapuso Sparkle artist Shuvee Etrata kaugnay sa kumalat na video nila ni Kapamilya star Donny Pangilinan.
Mapapanood sa nasabing video ang pagkikita nina Donny at Shuvee sa isang event, dahilan para kiligin ang huli na tila hindi nagustuhan ng DonBelle fans.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Marso 29, mapapanood ang buong panayam ni showbiz insider Ogie Diaz kay Shuvee.
Aniya, “No’ng naimbita po kami ni Tito Bernard sa birthday niya, hindi ko po alam na nando’n siya [si Donny]. Kaya gano’n na lang po ‘yong reaksiyon ko.”
“Actually, hindi ko napanood ‘yong video. Ang nagsabi sa akin, si Donny. ‘Viral na naman tayo.’ Sabi ko, ‘Ha? Anong nangyari? May kasalanan na naman ba akong ginawa?’ ‘Pag viral, naaaning ako,” dugtong pa ni Shuvee.
Pero hindi naman itinago ni Shuvee ang naramdaman niyang kilig kay Donny. Noon pa man ay vocal na talaga siya sa paghanga niya sa Kapamilya star kahit noong nasa loob pa lang siya ng Bahay ni Kuya kung saan nakasama niya rin ito.
Samantala, matatandaan namang nagsalita na si Donny kaugnay sa isyu ng viral video. Umapela siya sa fans na itigil ang pagpapakalat ng hate.
Maki-Balita: ‘Stop spreading hate!’ Donny sumaklolo kina Belle, Shuvee