Bumagsak sa ₱60. 690 ang palitan ng piso laban sa dolyar ng Amerika nitong Lunes, Marso 30, ayon sa datos ng Bankers Association of the Philippines (BAP).
Nalagpasan nito ang "makasaysayang" pagbulusok ng piso sa ₱60.39 noong Huwebes, Marso 19, na sinasabing unang beses sa kasaysayan ng Pilipinas na bumagsak ang halaga ng Philippine peso laban sa US dollars.
Maki-Balita: Bagong record low! Piso, lumagapak sa ₱60 kontra dolyar
Ito na ang pitong beses na sobrang bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagpasok ng Marso.
Nananatiling sensitibo ang piso sa galaw ng pandaigdigang merkado, lalo na sa pagtaas ng demand sa dolyar at pagbabago sa presyo ng petrolyo.
Maaari din itong makaapekto sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa kung magpapatuloy ang depreciation o pagbagsak ng piso.
Ito na ang pinakamababang halaga ng piso kontra dolyar simula nang maganap ang tensyon sa Middle East sa bandang pagtatapos ng Pebrero hanggang sa isang araw bago tuluyang magwakas ang Marso.
Sa mga nagdaang araw at linggo, naglaro muna sa halagang ₱57 hanggang ₱59 ang palitan ng dolyar at piso.
Maki-Balita: Pinakamababa sa kasaysayan: Palitan ng piso-dolyar, umabot na sa ₱60—bakit kaya?