May 22, 2026

Home BALITA Metro

Mga batang naglaro umano ng lighter, nagpaliyab ng 3 truck!

Mga batang naglaro umano ng lighter, nagpaliyab ng 3 truck!
Photo courtesy: via MB

Nauwi sa sunog ang paglalaro umano ng lighter ng ilang mga bata sa isang parking lot sa Tondo, Maynila nitong Lunes, Marso 30, 2026.

Ayon sa mga ulat, maliit na siga lang ang pinagmulan ng apoy hanggang sa naging sunog ito at kumalat at nahagip ang tinatayang tatlong sasakyan.

Sa eksklusibong ulat ng Manila Bulletin nitong Lunes, napag-alamang madalas umanong maglaro ang mga bata sa naturang lote kung saan naganap ang sunog.

Bandang 11:00 ng umaga, sumiklab ang nasabing sunog nitong Lunes na nagtagal din ng halos 10 minuto.

Mabilis umanong nakaresponde ang mga awtoridad, dahilan upang paspasang napatay ang sunog at naiwasang kumalat pa sa karatig na mga sasakyan na naka-park din sa nasabing lote.

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

Mabilis daw na nakatakbo at nagtago ang mga bata bago pa man dumating ang ilang emergency responders.

Samantala, wala namang napaulat na nasaktan mula sa insidente.