May 22, 2026

Home BALITA

Ilang pulis, nag-ambagan para sa kinaltas sa sahod ng pump attendant na na-gas-and-run!

Ilang pulis, nag-ambagan para sa kinaltas sa sahod ng pump attendant na na-gas-and-run!
Photo courtesy: Contributed photo

Nagpaabot ng tulong ang ilang pulis mula sa La Loma para sa pump attendant na kinaltasan ng ₱5,196 matapos siyang takasan ng driver na nagpa-full tank sa gasolinahang pinagtatrabahuhan niya.

Ayon kay Police Brigadier General Randy Glen Silvio, Director ng Quezon City Police District (QCPD), nag-ambagan ang ilang pulis matapos mapanagot ang pump attendant sa naturang insidente.

"Nag-contribute po yung ating mga police officers from La Loma, para po tumulong sa gasoline boy," ani Silvio.

Matatandaang kinumpirma ng gas attendant sa panayam na siya ang pananagutin sa naturang halaga matapos siyang papirmahin ng isang deduction letter, kung saan paunti-unting ibabawas sa kaniyang suweldo ang nasabing halaga.

Ibinahagi rin ng staff ng gas station na hanggang Abril na lamang ang kaniyang kontrata sa trabaho, kaya’t lalo niyang iniinda ang nasabing parusa.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

KAUGNAY NA BALITA: Gas attendant na tinakbuhan ng motoristang nagpa-full tank, kakaltasan ng suweldo!

Samantala, ayon pa kay Silvio, nagkaroon na raw sila ng hint sa sakay ng sasakyang nanamantala sa gasoline boy.

Sa pamamagitan umano ng isang CCTV footage, namataan ang driver ng naturang sasakyan na nakasuot ng black na t-shirt at pantalon habang naka-tsinelas.

Sinasabing tinakpan umano mismo ng naturang lalaki ang kaniyang plaka upang hindi matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.

Kaugnay nito, siniguro naman ni Silvio na nagpapatuloy ang kanilang operasyon upang matimbog ang salarin sa pananalisi sa gasolinahan.

"Tuloy-tuloy po ang pag-iimbestiga natin sa case na ito. Ang mga tropa natin nasa field pa rin, nagre-review po ng forward at backtracking ng footages ng mga CCTV at meron na rin tayong suspect dito. Meron na rin tayong forward projection natin, meron din tayong tropang naka-standby sa NLEX, SLEX may mga numbers ng combination ng plaka na ni-request na tayo," saad pa ni Silvio.