May 18, 2026

Home BALITA Internasyonal

12 toneladang chocolate, ninakaw: 'Thieves have taken our message too literally!'

12 toneladang chocolate, ninakaw: 'Thieves have taken our message too literally!'
Photo courtesy: KitKat (FB)

Kinumpirma ng isang kilalang food and beverage company ang pagnanakaw ng dalawang tonelada nilang produktong tsokolate kamakailan habang ibinabiyahe ito. 

Sa pahayag ng Nestlé KitKat sa kanilang social media, kinumpirma nila ang insidente ng pagnanakaw habang nasa biyahe ito mula sa kanilang factory sa Central Italy patungong Poland. 

Batay pa sa ulat ng international media, binubuo ng 413,793 units ng bago nilang chocolate range ang mga ninakaw na chocolate bars, na mula sa bago nilang “Formula One Line” kung saan ang iconic chocolate-covered wafers ay nakamodelo sa race cars. 

“We’ve always encouraged people to have a break with KitKat. But it seems thieves have taken the message too literally and made a break with more than 12 tons of our chocolate,” saad ng isang Nestlé spokesperson sa international media. 

Gayunpaman, tiniyak naman ng Nestlé KitKat na hindi apektado rito ang consumer safety at suplay ng kanilang mga produkto. 

Internasyonal

Muling pagkalat ng Ebola disease, isa nang ‘international concern’ – WHO

Sinigurado rin nilang kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad at kanilang supply chain partners para sa pagpapaigting ng imbestigasyon. 

Dahil na rin sa insidenteng ito, binanggit ng Nestlé na ang KitKat bars na ninakaw ay posibleng papasok sa “unofficial markets,” at kapag nangyari ito, maaari nilang ma-trace ang mga produktong ito sa pamamagitan ng batch codes na nakadikit sa bawat chocolate bars.