Natagpuang patay sa kaniyang bahay ang aktor na si Lee Sang-bo kamakailan sa edad na 44.
Ayon sa international media, bandang 12:40 PM ng Huwebes, Marso 26, nang matagpuang wala nang buhay ng kaniyang pamilya si Lee, sa kaniyang bahay sa Pyeongtaek, Gyeonggi Province.
Sa ulat ng mga awtoridad, hindi kinakitaan ng anumang foul play ang pagkasawi ni Lee.
Ang ulat ng pagkamatay ng aktor ay kinumprima ng kaniyang agency na Korea Management Group (KMG).
“Hello, this is KMG.We regret to inform you of the passing of our actor Lee Sang Bo. At the request of his family, we are unable to disclose the cause of death,” saad ng entertainment agency.
Anila pa, ang libing ni Lee ay ginanap nitong Linggo, Marso 29, sa Pyeongtaek Municipal Memorial Park.
Si Lee ay ipinanganak noong 1981 at nakilala sa kaniyang debut sa entertainment industry noong 2006, sa drama na “The Invisible Man.”
Ilan pa sa kilala niyang TV drama ay ang “Miss Monte-Cristo,” “The Elegant Empire,” “Private Lives,” at “Secretly Greatly.”
Sa kaugnay na ulat, nasangkot sa alegasyong paggamit ng ilegal na droga si Lee noong 2022, ngunit nalinaw namang isa lamang misunderstanding dahil sa kaniyang medikasyon para sa depression at anxiety.
“I've never used drugs, I've never seen drugs, and I've never been associated with a person who used drugs.I've never done drugs. What I'm taking right now is a tranquilizer,” saad ni Lee sa Korean media.