May 14, 2026

Home BALITA

Bombang matagal nang nakabaon sa lupa, narekober!

Bombang matagal nang nakabaon sa lupa, narekober!
Photo courtesy: PNP


Mabilis na rumesponde ang Philippine National Police (PNP) sa natanggap na ulat mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y lumang bombang nakabaon sa lupa.

Ayon sa inilatag na impormasyon ng PNP nitong Linggo, Marso 29, nasabat ang lumang bomba sa Antipolo City, na siyang inaktuhan nila upang matiyak ang kaligtasan ng lugar.

Base sa impormasyong ibinahagi ng mga awtoridad, napag-alaman na ang nasamsam na bomba ay mula pa raw noong panahon ng digmaan.

Gayong hindi nabanggit ang espesipikong digmaan, iginiit ng PNP na delikado pa rin ito kahit na ito ay nabaon na nang matagal na panahon sa lupa.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na raw ito ng mga eksperto para sa masusing pagsusuri, imbestigasyon, at wastong disposisyon.

Misis ng nahuling NBI volunteer, nanindigang walang kasalanan ang asawa



“Malaki ang pasasalamat natin sa ating PNP EOD/K9 personnel sa kanilang mabilis, maingat, at propesyonal na pagtugon sa ganitong uri ng banta. Ipinapakita nito ang kahandaan ng ating kapulisan,” saad ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. sa isang pahayag.

Samantala, nagbabala naman ang PNP na huwag hahawakan, bubuksan, o susubukang ibenta ang ilang mga kahina-hinalang bagay gaya na lamang ng isang lumang bomba.