Ibinahagi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Linggo, Marso 29, na aabot sa 338 Overseas Filipino Workers (OFWs), dependents, at stranded Pinoys ang nakauwi na sa bansa mula sa United Arab Emirates (UAE).
Ayon sa DMW, pasado 3:00 pm ng hapon ngayong araw nakalapag sa Villamor Airbase, Pasay City ang sinasakyang eroplano ng mga Pilipino, na anila, ay ang ikaanim na chartered flight ng gobyerno para sa mga Pinoy na stranded sa Middle East, bunsod ng girian at tensyon ng mga bansa roon.
Base pa sa inilatag na impormasyon ng ahensya, sinalubong ng DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Office of the President (OP), Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Develipment (DSWD) ang mga Pinoy.
Inaasahan ding magbibigay ng tulong ang mga nabanggit na ahensya at departamento para sa mga Pilipinong kauuwi lang sa bansa.