May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

2 photojournalists, patay matapos maanod sa ilog ang sinasakyang kotse!

2 photojournalists, patay matapos maanod sa ilog ang sinasakyang kotse!
Photo courtesy: Dalupiri[p

Dalawang photojournalist ang nasawi habang lima naman ang nailigtas matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog ang kanilang sinasakyang sasakyan sa Barangay Dalupirip, Itogon, Benguet.

Ayon sa paunang ulat, nangyari ang insidente dakong 3:30 ng hapon habang tinatahak ng grupo ang ilog matapos manggaling sa isang graduation photoshoot sa kalapit na paaralan. 

Bigla umanong na-stranded ang kanilang sasakyan sa gitna ng rumaragasang tubig hanggang sa tuluyang matangay.

Batay sa imbestigasyon, anim ang sakay ng sasakyan at sinubukan nilang tawirin ang ilog sa kabila ng malakas na agos.

Lima sa mga pasahero ang agad na nasagip at isinugod sa ospital para sa gamutan.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Samantala, idineklarang dead on arrival ang driver ng sasakyan na si Rodolfo Ong Tan, 68-anyos at residente ng Baguio City.

Natagpuan naman kinagabihan ang mga labi ng isa pang photojournalist na si Neil Clark Ongchangco sa kalapit na daluyan ng tubig.

Narekober ng mga awtoridad ang sasakyan sa tulong ng backhoe matapos ang insidente.

Nai-cremate na ang mga labi ni Tan, habang patuloy namang nakaburol si Ongchangco.

Nagpahayag naman ng pakikiramay ang isang samahan ng mga photojournalist mula sa Baguio sa pagpanaw ng kanilang dalawang kasapi.