Naglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte bilang pagbati sa ika-81 kaarawan ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na ipinagdiinan ang kahalagahan ng pagtatanggol sa karapatan nito bilang bahagi umano ng pagtatanggol sa pambansang soberanya.
Sa kaniyang mensahe nitong Sabado, Marso 28, pinasalamatan ng bise presidente ang mga tagasuporta, volunteer groups, at milyon-milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa na nagdaos ng mga aktibidad upang parangalan ang dating pangulo.
Ayon kay VP sara, ang patuloy na suporta ng publiko ay patunay umano ng uri ng pamumunong nakatuon sa kaligtasan at dignidad ng bawat pamilyang Pilipino.
Gayunman, iginiit din niya na hindi lamang pagdiriwang ang nararapat, kundi ang paninindigan sa aniya’y mga usapin ng karapatan at soberanya.
"Today, we celebrate the birthday of my father, our former President Rodrigo Roa Duterte," aniya.
"To all the parallel support groups, volunteers, and the millions of Filipinos here and abroad who organized celebrations to honor him, maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal at katapatan."
"Your loyalty to him is a testament to a leadership that truly prioritized the safety and dignity of every Filipino family."
"But as we celebrate, we also stand firm. The defense of his rights is a defense of our national sovereignty."
"We must remain vigilant against the weaponization of the law and the unconstitutional intrusion of foreign bodies that seek to bypass our own courts," aniya, na ang tinutukoy ay ang pagharap ng ama sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC), dahil sa kaniyang war on drugs noong panahon ng kaniyang administrasyon.
Sa huli, nagpasalamat ang bise presidente sa sambayanang Pilipino sa patuloy na suporta at hinikayat ang lahat na ipaglaban ang dignidad ng bansa.
"Our justice system must remain independent, serving only the mandate of the Filipino people and never the interests of foreign powers."
"To the Filipino people: thank you for being our strength. Through the storms and challenges, your resilience remains our inspiration."
"Patuloy nating ipaglaban ang dangal ng ating bansa. Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino," pagtatapos niya.
Samantala, nagbigay na rin ng kaniyang pahayag ang bunsong kapatid na si Veronica "Kitty" Duterte para sa ama.