Inihayag ng Latin Patriarchate of Jerusalem ang pagkansela ng taunang prusisyon sa tuwing Linggo ng Palaspas, bunsod umano ng banta ng pagpapatuloy na giyera sa Middle East.
Ang tradisyunal na prusisyon na ginaganap mula sa Mount of Olives patungo sa Jerusalem tuwing Linggo ng Palaspas.
Ayon kay Cardinal Pierbattista Pizzaballa, sa halip na prusisyon, papalitan na lamang muna ng pagdarasal ang pagsisimula ng Semana Santa.
“This restriction imposed by the conflict and the events of recent days do not bode well for any imminent improvement,” anang Cardinal.
Saad pa niya, “It is already clear, however, that ordinary celebrations open to all cannot take place.”
Bunsod nito, nanawagan naman ang Cardinal sa pakikilahok ng mga deboto na makiisa sa kanila sa pagdarasal na magsisimula sa Sabado, Marso 28, 2026.
“We will do so with humble hearts, certain that our prayer, even while we are physically distant, is capable of drawing upon the strength of God’s love, which unites us in a spirit of hope and trust,” saad pa niya.
Matatandaang halos isang buwan na ang nakalipas matapos sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Iran at sanib-pwersa ng United States at Israel na nagsimula pa noong Pebrero 28.
Samantala, bilang isa sa mga bansang kinikilala bilang sentro ng paniniwala ng Kristiyanismo, kinumpirma din ng Latin Patriarchate of Jerusalem na ananatiling limitadi ang mga aktibidad sa mga banal na lugar na pinaniniwalaang may kaugnayan sa naging buhay ni Hesus sa mundo.
Anila, “Even during these days, although access to the Basilica is restricted to the faithful for security reasons, prayer continues unceasingly in the Holy Places.”