May 22, 2026

Home BALITA National

Pilipinas, may sapat nang crude oil supply hanggang Hunyo 30, 2026!—PBBM

Pilipinas, may sapat nang crude oil supply hanggang Hunyo 30, 2026!—PBBM
Photo courtesy: PCO

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa publiko na mayroon nang sapat na suplay na krudong tatagal hanggang sa Hunyo 30, 2026, ang Pilipinas sa gitna ng oil crisis. 

Matapos ito ng naging pagdating sa bansa ng inangkat na 700,000 barrels na krudo ng pamahalaan mula sa Russia. 

Ayon sa naging pahayag ng Pangulo sa naging pagpunta niya sa NAIA Expressway (NAIAX) sa Pasay City nitong Biyernes, Marso 27, sinabi niyang iba raw ang presyuhan kapag umangkat ng refined nang krudo o ng diesel, kaya mas minabuti nilang kumuha ng krudo at sa loob na lang ito ng Pilipinas isasalang sa proseso ng refinement. 

“In terms of crude oil supply dahil pinapasok nila ang crude oil para irefine dito sa Pilipinas,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa ng Pangulo, “Iba ang presyuhan kapag nagpasok tayo ng krudo mismo, ng diesel, kaysa magpapasok tayo ng crude oil, tayo mag-refine. Mas mahal 'yong magpapasok ka ng refined na, ng diesel na.” 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Ani PBBM, sa pamamagitan raw nito ay magkakaroon na ng sapat na suplay ng krudo ang bansa hanggang sa buwan ng Hunyo. 

“Dahil nga diyan ay mayroon na tayong crude oil sufficient supply hanggang June 30,” aniya. 

Pagpapatuloy niya, hindi pa rin umano titigil ang pamahalaan ng humanap pa ng suplay ng langis upang masuportahan ang taumbayan at mabawasan ang hirap na kinakaharap ng mga ito dahil sa epekto ng sigalot sa Gitnang Silangan. 

“Pero patuloy pa rin ang paghahanap natin ng suplay, patuloy pa rin ang ating pagsuporta sa ating mga commuter at para naman ay mabawasan ang bigat ng epekto nitong nagkakagulo sa Middle East,” pagtatapos niya. 

Kaugnay nito, matatandaang nilinaw sa publiko ng Malacañang noong Huwebes, Marso 26, na bukas ang pamahalaan sa posibilidad na magkaroon ng joint oil and gas exploration ang Pilipinas kasama ang bansang China.

Sa kabila umano ito ng mainit na tensyon sa pagitan ng mga nasabing bansa sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Anang Palasyo, lagi naman daw “sincere” ang Pilipinas sa lahat ng pagkakataon basta makakatulong ang hakbang na kailangan nilang gawin para sa mga Pilipino.

KAUGNAY NA BALITA: Pilipinas sincere, bukas sa joint exploration kasama ang China—Palasyo

KAUGNAY NA BALITA: Average supply ng langis sa bansa, aabot na lang sa 45 na araw—DOE