May 21, 2026

Home BALITA

Taga-Capiz, wagi ng ₱15M jackpot sa MegaLotto 6/45

Taga-Capiz, wagi ng ₱15M jackpot sa MegaLotto 6/45
(unsplash)

Isang taga-Capiz ang pinalad na magwagi ng ₱15milyong jackpot ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Miyerkules ng gabi, Marso 25.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 17-24-15-29-10-05 kaya't napagwagian nito ang premyo.

Nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Roxas City, Capiz.

Ayon sa PCSO, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong IDs upang makubra ang premyo.

May isang taon lamang naman ang jackpot winner, mula sa petsa nang pagbola dito, upang kubrahin ang kaniyang premyo bago ito ma-forfeit at mapunta sa kawanggawa.

Politics

Anti-dynasty bill, pasado na sa 2nd reading sa Kamara!

Nagpaalala rin ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ang MegaLotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules Biyernes.