Anong gagawin mo kung sakaling manalo ka ng jackpot prize sa lotto?
Para sa isang seafarer na halos isang dekada nang tumataya at nagbabaka-sakali sa lotto, katumbas nito ay pagbabago sa buhay, matapos niyang masungkit ang ₱45 milyon sa Grand Lotto 6/55 draw noong Marso 9, 2026.
Ayon kasi sa inilabas na pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natiyambahan ng mananaya ang winning combination na 38-32-08-20-19-09, na aniya ay kombinasyon ng mga petsa ng kaarawan at mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay.
Batay sa panayam sa lucky winner, matagal na panahon na raw siyang nagtatrabaho bilang seafarer kaya sa pagkapanalo niya ng milyong piso, iniisip na raw niyang huwag nang sumampa sa barko at magnegosyo na lamang sa Negros Occidental.
Maki-Balita: Seafarer, panalo ng ₱45M sa lotto; 'di na sasampa ng barko!
Bukod dito, balak din aniyang bayaran ng lucky winner ang mga utang niya.
“I made a lot of sacrifices, especially being away from my family," saad daw ng lucky winner sa panayam.
Maki-Balita: 'Milyonaryo!' Lotto player na 10 taon nang tumataya, nanalo na!
"Despite his sudden wealth, the winner remains humble and thankful, cherishing the opportunity to start anew and build a better future for himself and his family," mababasa pa sa ulat ng PCSO.