Nanalo na ang isang mananaya na 1 dekada nang tumataya sa lotto!
Ayon sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Martes, Marso 24, 10 taon na tumataya ang lucky winner ng Grand Lotto 6/55, na binola noong Marso 9.
Nahulaan ng bagong milyonaryo, ang winning numbers na 38-32-08-20-19-09 na may tumataginting na premyong P45 milyon.
Sabi ng lalaking winner, ang mga numero ay birth dates ng mga importanteng tao sa buhay niya at mga pangyayari.
Dagdag pa niya, ilang taon na siyang nagtatrabaho bilang isang seafarer at tinitiis ang mga hamon ng pagigng malayo sa pamilya.
Kaya sa kaniyang pagkapanalo, nagpasya siyang permanente nang manatili sa kaniyang pamilya. Katunayan, pipirma na dapat siya ng panibagong kontrata.
Plano naman niyang gamitin ang napanalunan sa pagbabayaf ng utang at magsimula ng negosyo kasama ang pamilya sa Negros Occidental.