May 21, 2026

Home BALITA

Kindergarten school, nilooban at vinandalize ng umano’y ilang kabataan!

Kindergarten school, nilooban at vinandalize ng umano’y ilang kabataan!
Photo courtesy: via GMA Regional TV

Pinaghihinalaang isang grupo ng kabataan ang pumasok at nanloob sa isang kindergarten center habang bakasyon ang paaralan sa Negros Occidental.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang insidente noong Marso 24, 2026 nang bumisita ang isang guro sa National Child Development Center at nadatnan ang isang silid-aralan na magulo, kalat ang mga gamit, at may mga vandalism sa dingding.

Nagdaos ng recognition day ang center noong Marso 20 at wala nang klase matapos nito. Sa loob ng tatlong araw, wala ring nakabisita sa paaralan.

“Kasi noong Friday, mayroong recognition. After nun, wala nang pasok, isinara na ang school. Tapos noong Saturday, Sunday until Monday, hindi nabisitahan,” ayon kay Bobeth Cervanez, kapitan ng Barangay 2.

Bukod sa paninira, tinangay din umano ng mga suspek ang pagkain at mga kable ng kuryente mula sa paaralan.

Politics

Anti-dynasty bill, pasado na sa 2nd reading sa Kamara!

Ayon sa pulisya, posibleng nalaman ng mga suspek na walang tao sa paaralan kaya sinamantala nila ang pagkakataon.

“Base sa investigation, 4-5 persons. Walang CCTV sa area. Kung titingnan natin, mostly ang mga kabataan, may grupo. Baka na-monitor nila na walang tao every night,” pahayag ni Lt. Peter Genovia, Deputy Chief ng Himamaylan City Police Station.