May 22, 2026

Home BALITA National

'Imbestigasyon sa mga reklamo vs VP Sara, umaandar naman!'—Ombudsman

'Imbestigasyon sa mga reklamo vs VP Sara, umaandar naman!'—Ombudsman
Photo courtesy: screengrab from contributed video, File Photo

Nilinaw sa publiko ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na patuloy pa rin daw na umaandar ang imbestigasyon sa mga reklamong nasa tanggapan nila laban kay Vice President Sara Duterte. 

Ayon sa isinagawang press conference ng Office of the Ombudsman nitong Huwebes, Marso 26, sinabi ni Remulla na umaandar pa rin ang imbestigasyon nila laban kay VP Sara ngunit pinag-aaralan pa rin umano nila kung may immunity from suit ang bise presidente o wala. 

“Umaandar naman ang imbestigasyon,” pagsisimula niya. 

Dagdag niya, “Kaya lang nga may mga theory of law pa tayong pinag-aaralan. Kung merong immunity from suit o wala.” 

Ani Remulla, isinaad na rin daw kasi noong Department for Justice (DOJ) na tanging ang Pangulo ng Pilipinas lang umano ang may immunity from suit. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Kasi, ang alam ko, nagkaroon na ng opinyon dati ang Department of Justice na ang immunity of suit sa isang sitting President lang,” aniya. 

Paliwanag ni Remulla, kung mapag-aaralan daw nilang walang immunity from suit ang bise presidente ay maaari raw itong masampahan ng demanda, kasuhan, at panagutin. 

“Puwedeng idemanda. Kung merong demanda, dapat puwedeng kasuhan at puwedeng panagutin kahit nakaupong Vice President,” diin niya. 

Giit ni Remulla, pinag-aaralan pa lang naman daw nila ang usaping ito at tinitingnan nila kung may legal provision ba raw silang mapagbabatayan kaugnay sa impeachment case laban sa bise presidente. 

“Pero pinag-aaralan pa ‘yan. Tinitingnan pa namin ‘yong mga legal provisions na puwedeng maging mahalaga sa pagtingin sa tanong na ‘yan,” pagtatapos niya. 

Kaugnay nito, matatandaang napagdesisyunan ng House Committee on Justice sa pagdinig nila noong Miyerkules, Marso 25, 2026, na magpadala ng subpoena duces tecum sa Office of the Ombudsman upang makuha nila ang kopya ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ni VP Sara mula 2007-2013, 2016-2022, at 2022 hanggang 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, umaasang ibabasura ng Kamara impeachment case laban sa kaniya!

KAUGNAY NA BALITA: Kampo ni VP Sara, idiniing Senado lang dapat magsagawa ng impeachment trial!