Isang emosyonal na mensahe ang ibinahagi ng ama ng 15-anyos na si Isabelle Sophia matapos makumpirma ng mga awtoridad na walang foul play sa pagkamatay ng kaniyang anak, na natagpuang wala nang buhay makalipas ang ilang araw na pagkawala.
Ayon sa pulisya, walang nakitaang foul play ang naging resulta ng isinagawang forensic at backtrack investigation ng Pasig City Police matapos maiulat na nawawala ang dalagita sa loob ng limang araw.
Lumalabas sa imbestigasyon na posibleng nagpakamatay ang biktima.
Natunton ng mga awtoridad ang galaw ni Isabelle bago siya nawala at nakumpirmang siya mismo ang bumili ng puting nylon rope sa isang hardware store sa Marikina City, na kalauna’y narekober sa pinangyarihan ng insidente.
Sinabi rin ng pulisya na walang indikasyon ng pakikipagbuno o partisipasyon ng ibang tao sa lugar kung saan natagpuan ang biktima, kaya’t isinantabi ang anggulo ng foul play.
KAUGNAY NA BALITA: 'Walang foul play!' 15-anyos na natagpuang patay sa Pasig, posible umanong nagpatiwakal?
Sa kabila nito, ibinahagi ng ama ng biktima ang kaniyang matinding pagdadalamhati sa isang mensahe:
“After the autopsy, it was confirmed there was no foul play, no harm done to you by anyone. If that brings even the smallest consolation, then so be it. But no matter how small that consolation is, it will never be mine my Love, because it doesn’t change the fact that I have failed you. I miss you Loveeee,” ani JR Tablate.
Bagama’t isinara na ng pulisya ang anggulo ng foul play, muling umigting ang usapin sa social media hinggil sa kapakanan ng kabataan at kahalagahan ng suporta sa mental health.
MAKI-BALITA: Ama ng dalagitang nagtagpuang patay sa Pasig, ibinahagi mensahe sa biktima