May 22, 2026

Home BALITA Metro

Ama ng dalagitang nagtagpuang patay sa Pasig, ibinahagi mensahe sa biktima

Ama ng dalagitang nagtagpuang patay sa Pasig, ibinahagi mensahe sa biktima

Labis ang pagdadalamhati ng ama ng 15 taong gulang na dalagitang natagupang patay sa Pasig City.

Sa isang social media post, sinabi ni JR Tablate ang kaniyang pighati sa sinapit ng dalagita—at kaniya ring kumpirmasyon sa pagkakakilanlan ng biktima na naagnas na umano nang marekober ang bangkay niya.

“I am heartbroken to say that my love, Isabelle Sophia Tablate has passed away. I feel deep regret and I wish I had more time with my love,” ani Tablate.

“I miss you, Love, more than words can say and I will long for you every day for the rest of my life. Daddy is so sorry for failing you, I will carry that pain with me always,” dagdag pa niya.

Naiulat na nawawala si Isabelle Sophia noong Marso 18.

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

Pagkaraan ng ilang araw, nakatagpo ang mga awtoridad ng bangkay ng isang dalagitang babae noong Marso 23 sa loob ng isang bakanteng lote sa compound ng isang pabrika sa Barangay Santolan, Pasig.

Ayon sa pulisya ng Pasig, posibleng may kaugnayan ang natagpuang bangkay sa kaso ng nawawalang menor de edad. 

Nauna nang sinabi ng mga imbestigador na tugma ang suot ng narekober na katawan sa huling kasuotan ni Isabelle Sophia bago siya mawala.

Gayunman, hinihintay pa ang resulta ng autopsy, gayundin ang DNA at dental examination upang tuluyang makumpirma ang pagkakakilanlan ng bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng insidente.