Ibinida sa unang pagkakataon ni United States (US) First Lady Melania Trump ang isang Artificial Intelligence (AI) humanoid educator sa isinagawa nilang Inaugural Coalition Summit na dinaluhan ng 45 nasyon sa White House.
Sa naging pangunguna ni Melania sa Fostering the Future Together Global Coalition Summit sa White House noong Miyerkules (araw sa US), Marso 25, mapapanood ang paglalakad niya sa red carpet kasama ang AI humanoid robot na nagngangalang “Figure 03.”
Screenshot mula sa live ng The White House sa YT.
Ani Melania, sa pamamagitan ng ipinakita niyang AI humanoid educator sa isinagawang summit, naangkop umanong tanggapin ng sangkatauhan ang pagpasok sa mundo ng AI humanoid system.
“Indeed, our world is transforming into the use of AI, we can now access centuries of human humanity’s knowledge base,” pagsisimula niya.
Paliwanag niya, “The future of AI is personified. It will form in the shape of humans. Very soon Artificial Intelligence will move from our mobile phones to humanoid to deliver utility. Since our environment is designed for people, humanoid systems are uniquely suited to navigate and operate within our world. They fit well.”
Paghahalimbawa ni Melania, isipin daw ng bawat isa na may isang AI humanoid educator na nagngangalang “Plato” na magtuturo ng panitikan, agham, sining, pilosopiya, matematika, at kasaysayan sa kabataan sa loob ng kanilang mga tahanan.
“Imagine an humanoid educator named Plato. Access to the classical studies is now instantaneous. Literature, science, arts, philosophy, mathematics, and history. Humanity’s entire corpus of information is available in the comfort of your home,” aniya.
Diin niya, tiyak daw na mapupunan ng AI humanoid educator ang pangangailangan ng mga mag-aaral.
“Plato will provide a personalized experience adaptive to the needs of each student. Plato is always patient and always available,” ‘ika niya.
Pagpapatuloy pa ni Melania, kung maisasakatuparan ang pagpasok ng AI humanoid educator sa mundo ng mga tao, asahan daw ng publiko ang pagkahubog ng mas malalim na critical thinking at problem solving ng kabataan.
“Predictively, our children will develop deep critical thinking and independent reasoning abilities. The AI powered Plato will boost analytics skills and problem solving and adapt in real-time to a student’s pace, prime knowledge, and even emotional state,” pagtatapos pa niya.
Dinaluhan ng 45 na nasyon ang isinagawang Inaugural Coalition Summit na pinangunahan ni Melania kung saan isa sa mga naging pangunahing layunin ng First Lady ay isulong ang hinaharap ng edukasyon ng kabataan sa pamamagitan ng pagtangkilik sa AI humanoid educator.
MAKI-BALITA: 'Hit harder, unleash hell!' US, nagbabalang aatake nang mas matindi kung 'di susuko Iran!
MAKI-BALITA: Iran, itinangging nakipag-usap sa US; Trump 'fake news' daw?