May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

False teeth ng beauty pageant candidate, natanggal habang nagsasalita sa intro!

False teeth ng beauty pageant candidate, natanggal habang nagsasalita sa intro!
Photo courtesy: Screenshots from Missosology (FB)

Hindi inaasahang eksena ang naganap sa ginanap na Miss Grand Thailand 2026 preliminary competition noong Miyerkules, Marso 25, matapos mabaklas habang nagsasalita sa kaniyang introduction ang isang kandidata.

Habang ipinakikilala ng kandidatang si Miss Grand Pathum Thani Kamolwan Chanago ang kaniyang sarili, bigla na lang natanggal ang kaniyang false teeth na nagdulot naman para maabala ang pagsasalita niya.

Makikitang tinangka pa niyang alisin ang false teeth kaya bahagya siyang tumalikod sa audience.

Matapos matanggal ang false teeth, tinapos ng kandidata ang kaniyang spiel at nag-strike ng final pose at ngiti habang nakasara ang mga labi.

Samantala, isa siya sa aabangan kung mananalo ba siya sa magaganap na Miss Grand Thailand 2026 coronation night na isasagawa sa March 28, sa MGI Hall, Bravo BKK Mall sa Bangkok. Ang mananalo sa kompetisyon ay magiging successor ni Miss Grand Thailand 2025 Sarunrat “Gotchabell” Puagpipat na siyang lalaban naman sa Miss Grand International 2026 na gaganapin sa India.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Ibinahagi naman ang video clip ng insidente sa Facebook page na "Missosology" at umani ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"D man lng nag polident"

"Only a Miss Grand can pull this off."

"My husband makes teeth and it’s not veneers! It’s called a snap in smile, and it’s made out of acrylic and it’s for temporary reasons like pageants."

"Not surprised it's miss grand by the way."

"I won't make fun of her. I just can imagine how she feels."

"Kaya mas maganda talaga yung natural lang at walang halong kemikal hehe."