Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na sila ay maglulunsad ng libreng sakay gamit ang ilang electric buses na may biyaheng Lawton-Welcome Rotonda, para sa mga komyuter na apektado ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa anunsyong ibinahagi ng DOE nitong Huwebes, Marso 26, isiniwalat nilang ito raw ay dagdag nila sa libreng sakay ng Office of the President (OP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon naman kay DOE Secretary Sharon Garin, hindi lamang daw ito dagdag-ginhawa para sa mga komyuter, bagkus ito rin daw ay tanda ng kahandaan ng electric vehicles na tugunan ang pangangailangang pantransportasyon ng bansa.
Sa linggong ito, tatahakin ng electric buses ang mga sumusunod na ruta para sa libreng sakay:
- Philcoa to Cubao – 2 units
- Welcome to Cubao – 1 unit
- Lawton to Welcome – 2 units
- Lawton to PITX – 1 unit
- Nagtahan to Cubao – 1 unit
- Commonwealth to Fairview – 2 units