May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'The irony is sumampa ka sa show!' Sofia Trazona, bumwelta kay Alvin Aragon dahil kay Boy Abunda

'The irony is sumampa ka sa show!' Sofia Trazona, bumwelta kay Alvin Aragon dahil kay Boy Abunda
Photo courtesy: Screenshot from Sofia Trazona, Alvin Aragon (FB)/Fast Talk with Boy Abunda (YT)

Binanatan ni Sofia Trazona ang stepfather niyang si Alvin Aragon matapos nitong maglabas ng cryptic post laban sa isang "King of Talk" na dapat daw tanggalan ng show dahil ginagamit ang platform para magkalat ng impluwensyang ayos lamang magkaroon ng mga anak na miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa Facebook post ni Alvin noong Lunes, Marso 23, tila may open letter siya sa isang "Maam Annette," na bagama't hindi niya direktang tinukoy, hula ng mga netizen ay si GMA Network executive Annette Gozon-Valdes.

Aniya, dapat daw alisan ni Maam Annette ng show si "King of Talk" gayundin ang writers dahil ginagamit daw na platform ang show para sabihing ayos lang na magkaroon ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

"Maam Annette, Ang king of talk ang dapat inaalisan ng show at ang writer ng show. Kasi he uses, they uses this platform to encouraged and influenced Filipino people especially Filipino parents," aniya.

Magagalit daw ang "King of Kings" sa ginagawang ito ni "King of Talk."

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Gusto nila palabasin na Ok lang, Na walang masama ang maging bakla, maging tomboy, maging trans at maging queer.

Maam annette alam natin na kasalanan yan sa Mata ng King of kings natin," dagdag pa.

Pagwawakas niya, "Stop propagating Sin of homosexuality because it is against the Lord Jesus."

Bagama't walang direktang banggit, naniniwala ang mga netizen na ang tinutukoy ni Alvin ay si King of Talk Boy Abunda, na kamakailan lamang ay diretsahang nagbigay ng saloobin hinggil sa pagiging viral ni Alvin dahil sa isyu ng homosexuality.

Matatandaang nag-guest pa sina Izzy at Alvin sa "Fast Talk with Boy Abunda" bago pa man ma-bash nang husto ang dating StarStruck avenger, dahil sa mga naging pahayag niya tungkol sa hindi pagsama ng misis sa reunion concerts ng SexBomb Girls, at pananaw tungkol sa homosexuality gayundin sa ilang celebrity parents na may anak na miyembro ng LGBTQIA+ community na "hinayaan" daw ang mga anak na gawin ang gusto nila.

Saad ni Abunda, bagama’t nirerespeto niya ang pananampalataya at paniniwala ni Aragon, naniniwala siyang “sumobra” ito sa mga naging pahayag tungkol sa pagtanggap ng mga magulang sa kanilang mga anak na kabilang sa LGBTQIA+ community.

Ayon kay Abunda, maaaring nanggagaling si Aragon sa perspektibo ng relihiyon, ngunit hindi umano nito maaaring ipilit ang sariling paniniwala at estilo ng pagpapalaki sa iba.

Binigyang-diin ni Tito Boy na masakit para sa maraming magulang at miyembro ng LGBTQIA+ community ang tila paghusga sa mga magulang na piniling yakapin ang kanilang mga anak nang may pagmamahal, dignidad, at malasakit.

Samantala, nag-react naman si Sofia sa kaniyang Facebook post noong Martes, Marso 24.

Kinuwestyon ni Sofia kung bakit pumayag si Alvin na tumuntong sa show gayong alam nitong miyembro ng komunidad si Boy.

"you weren’t supposed to be on that show. the irony is sumampa ka sa show knowing na tito boy is part of the community because you’ll benefit from it pero nung other guests shared their piece, ayaw mo na sa show?" anang Sofia.

"also wala na bang ibang issue? why not try speaking for the oil price hike or hindi pag pasok ng mga government officials," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from: Sofia Trazona/FB

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Boy hinggil sa mga banat ni Alvin laban sa kaniya.