May 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Senior citizen at anak niya, patay matapos ma-trap sa sunog!

Senior citizen at anak niya, patay matapos ma-trap sa sunog!

Patay na nang matagpuan ang bangkay ng mag-ina sa natupok na residential area sa Bacoor City, Cavite noong Martes, Marso 24, 2026.

Batay sa paunang ulat, nagsimula ang apoy bandang 2:15 ng hapon at mabilis na kumalat dahil sa magkakadikit na estruktura ng mga bahay sa lugar.

Matapos maapula ang sunog, nagsagawa ng inspeksyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) kung saan nadiskubre ang dalawang nasawi sa loob ng isang bahay.

Kinilala ang mga biktima sa mga alyas na “Liezel,” 57 anyos, at ang kaniyang ina na si “Fe,” 79 taong gulang.

Ayon sa kanilang kaanak, hindi na umano nakalabas ang mag-ina sa kasagsagan ng sunog. Sinasabing bigo umanong matulungan ng ilang residente sa lugar ang mga biktima sa kabila ng paghiyaw nila ng tulong, bunsod umano ng mga livewire na nagpuputukan sa lugar.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Kinumpirma ng mga awtoridad na kabilang ang dalawa sa mga nasawi sa insidente.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog, habang humingi na ng tulong ang mga imbestigador sa Cavite Provincial Forensic Unit para sa mas malalim na pagsusuri.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ukol sa sanhi ng sunog. Samantala, patuloy namang umaalalay ang lokal na pamahalaan sa mga residenteng nawalan ng tirahan.

Inaasahang maglalabas pa ng karagdagang detalye ang mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.