Hinatulan ni Sen. JV Ejercito ang aksyon ng pamahalaan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng Pilipinas bunsod ng sigalot sa Middle East.
Sa ginanap na Kapihan sa Senado nitong Miyerkules, Marso 25, sinabi ni Sen. JV na reactive umano ang pamahalaan pagdating sa nasabing problema.
“Hindi naman mabagal. Mukhang sobra lang ang bagal. Reactive, e. Isipin mo, kung narinig mo kahapon mismo, naka-break daw ang Congress,” saad ni Sen. JV.
Dagdag pa niya, “My God, crisis na tayo. Naka-break daw ang Congress. Emergency situation, the President may call on Congress at any time.”
Matatandaang sa unang pagdinig ng Senate Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) Committee noong Martes, Marso 24, kabilang si Sen. JV sa mga naniniwalang may krisis nang umiiral sa Pilipinas.
Maki-Balita: Ilang senador, inaapura ang Palasyo na magdeklara ng ‘state of national emergency’
Aniya, “Hindi na po normal ang sitwasyon. And what we have to do right now is to do the preparation just like during the Covid-19 when there was uncertainty.
Kalaunan, idineklara na rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa parehong petsa na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of national energy emergency.
Maki-Balita: PBBM, nagdeklara ng state of national energy emergency!
Kaya naman inaasahan ni Sen. JV na magkakaroon na ng kongkretong aksyon ang gobyerno para tugunan ang krisis ng bansa.