May 21, 2026

Home BALITA Metro

Lalaking pabalang sumagot habang sinisingil, tinodas ng pinagkakautangan!

Lalaking pabalang sumagot habang sinisingil, tinodas ng pinagkakautangan!

Nasawi ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isang suspek na umano’y naniningil ng utang sa kaniya sa Pasig City.

Batay sa ulat, nahagip ng CCTV ang pangyayari sa Barangay Pinagbuhatan kung saan makikitang hinabol ng suspek ang biktima bago ito paulanan ng bala sa isang eskinita.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nagkaroon ng mainitang pagtatalo matapos singilin ng suspek ang biktima sa utang nito. 

Ayon sa mga awtoridad, pabalang umano ang naging tugon ng biktima na naging dahilan upang magalit ang suspek at habulin ito hanggang sa barilin.

Isang buntis ang nadamay sa insidente matapos tamaan ng ligaw na bala. Dinala siya sa ospital ngunit nasa maayos na kalagayan.

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek at nagtago. 

Gayunman, naaresto rin siya kalaunan sa isang kalapit na barangay nang bumalik umano sa bahay ng kaniyang kinakasama.

Patuloy namang sinisikap ng mga awtoridad at ng media na makuhanan ng pahayag ang suspek hinggil sa insidente.