May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Bea Borres, nagpaalala sa kapuwa mommies: 'Be gentle with yourself'

Bea Borres, nagpaalala sa kapuwa mommies: 'Be gentle with yourself'
Photo Courtesy: Bea Borres (FB)

Nagbigay ng paalala ang social media personality na si Bea Borres sa mga kapuwa niya nanay na nakararanas ng insecurity sa katawan.

Sa isang Facebook post noong Martes, Marso 24, ibinahagi niya ang mga litrato ng kaniyang stretch mark na dulot ng pagbubuntis sa panganay niyang anak.

“[I] didn’t wanna share this but I’ve been seeing moms comparing themselves to me, saying ang bilis ko raw pumayat and bumalik alindog,” saad ni Bea.

“But the truth is,” pagpapatuloy niya, “I have my own insecurities too, especially my stretch marks. If you noticed, I haven’t been wearing mini skirts or dresses sa pictures because I’m still learning to feel confident in my new body.”

Kaya paalala niya sa mga kapuwa niya mommy, “Please be gentle with yourself. Our bodies went through so much to bring life into this world. Hindi pa tapos ang journey natin, and healing doesn’t have a timeline.”

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Matatandaang Agosto 2025 nang kumpirmahin ni Bea ang kaniyang pagdadalang-tao.

Maki-Balita: Bea Borres, kumpirmadong buntis!

Isinilang niya ang bata sa sinapupunan noong Disyembre 2025 na pinangalanan niyang Victoria Hope.

Maki-Balita: 'She fought harder than I did!' Baby ni Bea Borres, nakalabas na ng NICU